Nasungkit ni Dawn Aguadera ang Unang Puwesto sa Pagsulat ng Lathalin (Feature Writing-Filipino) sa isinagawang Regional Schools Press Conference (RSPC), Asumption College of Nabunturan, Pebrero 13-15, 2014.
Isang katuparan ang pagkapanalo ni Aguadera pagkatapos niyang mangarap na makapasok muli sa National Schools Press Conference (NSPC) sa darating na Pebrero 7-10, 2014, Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Olongapo City. Matatandaang nakasali na rin siya sa ganitong patimpalak noong nasa ika-anim na baitang pa lamang.
Isang malaking karangalan ang naibigay ni Aguadera sa SVNHS matapos manguna sa nasabing patimpalak sa may tinatayang 50 kalahok mula sa iba’t-ibang Sangay sa Rehiyon XI. Samantala, natutuwa rin ang kanyang tagapagsanay na si Gng. Elsie O. Iñigo nang makuha ang parangal matapos ang pagpupursigeng ipinuhunan sa naturang laban.